Sa tuwing pagkatapos ng palabas, unahan kami sa paglabas sa kalye at ginagaya namin yong eksenang kinukuha ng robot yong espada sa may dibdib n'ya at sabay sigaw ng "VOLTES V". Nakakatuwang balik-balikan ang kakulitan ko nuong kabataan ko.
Si Little John Armstrong ang paborito kong character sa limang bidang mga piloto. Bukod kasi sa murang edad n'ya at kakulitan, s'ya ay isang henyo sa pag-imbento ng mga automatons. Kakikitaan din s'ya ng interes sa mechanics, robotics at electromagnetism, k'ya naman itinuturing s'yang isang genius ng mga university professors sa istorya. Sa katunayan s'ya ang gumawa ng kanyang octopus-robot-pet na si Octo-one.
Sa bawat episode ng nasabing palabas ay may bagong Beast Fighter na kalaban and Voltes Team. Eto 'yong pinakahihintay namin na parte ng palabas. 'Yong bakbakan. Pasiklaban sila ng mga robotic powers. Pero in the end, siempre laging panalo ang Voltes Team.
Sa kasikatan ng palabas na ito, hindi maiiwasang maging iconic symbol ng early 80's ang opening at closing theme song ng palabas na ito. The best para sa akin ang closing theme. Sa mga hindi inabot ang kasikatan ng Voltes V, heto ang mga youtube videos ng mga kantang ito.
Para sa kompletong detalye patungkol sa Voltes V, click here.
Ending Theme:
Opening Theme:
isa sa mga pinaka-sikat na cartoons (di pa kilala ang tawag na anime nuong panahong iyon) ang Voltes V. kasama nito ang Mazzinger Z at Daimos. tanda ko pa ang pinsan kong si Noli Puno ang unang nagkaroon ng robot na Voltes V courtesy ng kanyang sikat na kuya Rico J. Gustung-gusto naming laruin ang robot na iyon dahil talaga namang nagta-transform ang bawat bahagi nito from cars to one gigantic robot... ano sinabi ng transformers ngayon sa Voltes V noon?
ReplyDelete